Psssst! Hey you! Welcome sa munting paraiso ng laman ng coconut shell ko....
Ka-dramahan, kalokohan, katotohanan, katatawanan, pag-ibig, mga pangarap at ligaya sa buhay.
APIR!

2/26/2009

*ANG REMOTE CONTROL...BOW!

Kagabi, pagtapos kong panoorin ang American Idol, nag dis-appearing act ang remote control ko. Hofkors, nag-panic ang lola mo! Kailangan ko nang magpalit ng channel at i-adjust ang volume!

"Where the hell is the remote!" ...hawak ko lang sya kanina!

Hinalukay ko ang kama...pinagpag ko ang unan at kumot 1 million times. Ginalugad ko ang ilalim at gilid ng kama. Di ko pa rin matagpuan ang paking-shimmering-splendord remote! Inulit ko ulit. WALA pa rin!

Ginising ko si Chuck, baka nadaganan nya... Nothing !

Kainis 'to! Nagdidilim na ang paningin ko!

Inulit ko ang paghahanap, pagpag dito, pagpag doon... kapa dito , kapa doon... at last, sa isang major pagpag ko ng unan, lumitaw si remote! ... haaaay... finally!

Madalas mangyari sa akin 'to , di ako makapaniwala na dahil lang sa isang missing remote, na-aapektuhan ang emosyon ko to the 10th power!

Apat na taon ko na rin ito kapiling. Halos gabi-gabi eh nawawala ito dahil siguro sa medyo maliit ang size nito. Gasgas na. Halos di ko na makita ang numbers sa buttons nito. Nawala na ang cover sa battery, kaya scotch tape nalang ang takip , pwede na....

I guess panahon na para palitan ko 'to....Maybe I should try this one next time...

EWAN KO LANG KUNG MAG DIS-APPEAR KA PA!

2/14/2009

*HAPPY V DAY!

Dahil ito ay araw ng pag-ibig, para sa 'kin may pagka seryoso ang tema nito. Para maiba naman, naisip ko na maghanap ng HINDI seryoso ..why not , coconut ?!? Check out what I've found... :D And oh yes, "V" as in Valentine's Day...not VAgina Day...

2/08/2009

*PINOY SLANG


  • Anghit ------------ di kaakit-akit na singaw ng kili-kili

  • Burog------------- tadtad ng pimpols (burog ang mukha mo)

  • Sonata ----------- Sunog na tae

  • PPP -------------- Papangit ng Papangit habang Papalapit

  • Pakyu ka ----------- F**k you

  • Kuyukot------------- anus, butas ng pwet

  • Pururot ------------Diarhea, malatubig na syet

  • Ma-te arts ---------kabaligtararan ng salitang MAARTE

  • Shunga------------ tanga

  • Pa virgin epek -------kunyari inosente

  • Kangkarut ---------di mapakali, matulin na kilos, pa-ikot-ikot

  • Gong-gong-------- idiot!

  • Syota ng bayan------taong nag-umaapaw ang listahan ng gf o bf

  • Tubol------------- matigas na syet (as in mala-bakal)

  • Yokababs----------kabaligtaran ng kabayo(mukha kang yokababs)

  • Majontot---------- mabaho

  • Lagkitan-----------dugyot, madumi

  • Sosi--------------sosyal, parang mayaman

  • Ekup-------------vagina

  • Repapips----------kabarkada, kaibigan

  • Nakakaburat-------nakaka-inis,nakaka-irita

  • Astig-------------malakas loob,walang takot

  • Chongke----------marijuana

  • Ino-okray---------nilalait

  • Jerbaks------------tatae

  • Tarush------------taray,bongga,panalo

  • Putok-------------matinding amoy sa kili-kili

  • Ma-epal-----------paki-elamera, ma-papel

  • Kalbs-------------walalng buhok, kalbo

  • Tagtuyot---------matagal ng walang kastahan

2/04/2009

*PANG FRIENDSTER 'TO!

*Kung pang-mayaman ang kotse mo, lalo na kung may mercedes benz o bmw ka , di mawawala sa karamihan ng mga nag ma-may ari ang mag pose kapiling nito .. At ito ang matindi, mga caption gaya ng "this is my baby", "my new toy" , "car ko" ,at kung sagad-sagaran ka binibigyan mo ng pangalan ang kotse mo na animoy ikaw ang parents nito.*


*Tawag ko dito ay STARBUCKS pose, dahil siguro sa mahal ang kape dito, dapat sulitin ang binayaran mo sa pamamagitan ng pagpapa-piktyur kapiling ang cup na dapat kita ang tatak para masabi na ito ang lugar na tina-tambayan mo*


*Mapa-kubeta man, banyo o public comfort room, isang click lang ng digicam o camera phone mo ..instant pang friendster photo na 'to!*


*Panahon ito noong di pa uso ang digital camera, kung gusto mo ng mas high quality piktyur at parang pang modelo pose, punta ka sa photo studio at sa halagang P60.00 , may 4 wallet size picture ka na, 2 medium size at 1 big size para i-frame pang pader nyo. Bonus pa ang tips ng photographer kung pano mag pose with matching light effects at kaakit-akit na background. Kung gusto mo ng karagdagang kopya, balik ka lang sa studio sigurado may file sila ng mga negatives ng litrato mo.*


*Ito ang caption ng piktyur na 'to - "MY BLACKBERRY " ... Reeeeeeeeeaaaally!?!? ....'san naman ang picture ng laptop mo? your Gucci bag? ang trip mo sa Paris? yung I-phone pa ? siguro may Play Station ka rin? your digicam SLR? ang Louis Vuitton mo? ... post na rin natin dito! *



*Magsuot ng dark o itim na kasuotan, takpan ng bangs ang isang mata, wag ngumiti sa kodakan at kung kaya ng powers mong mag-lagay ng heavy eyeliner sa paligid ng mata ,samahan mo pa ng makabagdamdaming emo hand sign e di may EMO LOOK ka na!

*Ito naman ang pose sa tapat ng mamahaling tindahan at kung may shopping bag ka or supot na may tatak nito, sayang kung di mo isasama sa litrato mo para patunay na di kalang nagpa-piktyur dito, bumili ka pa!

SOSYAL di ba?*