Psssst! Hey you! Welcome sa munting paraiso ng laman ng coconut shell ko....
Ka-dramahan, kalokohan, katotohanan, katatawanan, pag-ibig, mga pangarap at ligaya sa buhay.
APIR!

3/26/2009

*MANG KULAS, PABILI NGA NG TSINELAS



Kung iisipin mo, mula ng matuto kang maglakad nandyan ang tsinelas para protektahan ang paa mo (unless kung trip mong mag medyas lang pumunta sa palengke.) Kinakabitan pa ito ng nanay mo ng garter habang pinag-aaralan mo kung pano magsuot nito. At habang lumalaki ka eh lumalaki rin ang tsinelas mo.

Ilang bagay din ang naging karanasan ko sa piling ng mga tsinelas....

Nandyan noon ang takot dahil isang sigaw lang ng nanay ko ng "DAPA!" habang hawak ang malaking tsinelas, kailangang ihanda ko na ang pwet ko sa palo bilang parusa sa katarantaduhang ginawa ko. Dyan lang ako bilib sa mother ko, di kami nakatikim ng batok, sampal ,tadyak, kurot o bugbog ng mga kapatid ko noong kabataan namin...sapat na ang palo sa pwet... at least di masyadong violent.

Luha ang tumagak-tak sa mga mata ko at ni sister Honey habang hinalukay namin ang basura sa ilog para hanapin ang lumang tsinelas na tinapon namin, pinagalitan kasi kami ni mother, di daw dapat itapon yon.

Masaya ang pakiramdam pag bagong bili ang tsinelas lalo na pag ako mismo ang pumili sa tumpok sa palengke, mas mura doon kaysa sa SM Mall... syempre pinapa-sikat ko sa mga kalaro ko pag may bago. Sa larong tumbang-preso, star na star ang bago kong tsinelas.

Minsan din itong nagdulot ng lungkot sa akin, naalala ko ang SPARTAN ko . Tatlong araw ko palang gamit ay nginat-ngat agad ni Kuri-kuni (yan ang aso namin noon na tadtad ng kurikong.) Yun pa naman ang paborito ko kasi kilala ito bilang matibay na tsinelas. :(

May pagkaka-taon din ng panghihinayang dahil kahit bago ang RAMBO ko noon ay napi-pigtas agad ito, kaya nilalagyan ko nalang ng pardib-le o ipapa-repair ko sa tatay ko gamit ang kanyang rugby o alambre para masulit ang gamit, sayang naman ang makapal na swelas kung itatapon ko nalang. Panlalaki daw ang brand na ito pero gamit ko pa rin...

Kapansin-pansin na in-na-in ang tsinelas ngayon. Kung noon ang tsinelas ay pangkaraniwang ginagamit sa ordinaryong lugar, ngayon ay mistulang bahagi na sya ng fashion world.

Maraming klase na ang nauso, makulay, bulaklakin, gawa sa plastik, leather, transparent....

Maraming brand na rin ang namayagpag, BEACH WALK, ISLANDER , IPANEMA at sino ba naman ang di makakakilala sa mahiwagang HAVAIANAS o HAVVY as conyo pipol call it.

Kung dati ay sapat na ang tawag na tsinelas, ngayon patok na patok ang tawag na FLIP-FLOPS ---> mas tunog mayaman :D

3/06/2009

*GONE TOO SOON...

Who would have thought that he'd leave us today.

PAALAM FRANCIS MAGALONA... your music still plays in me.

Turn the volume up for KIKO!



“Every color and every hue
Is represented by me and you
Take a slide in the slope
Take a look in the kaleidoscope
Spinnin’ round, make it twirl
In this kaleidoscope world”


I just looooove this song... it's talking to each one of us.

*thanks to Marcolucfero for the nice video*

3/01/2009

*Hoy PAUL!


Ito si Paul, klasmeyt ko sya mula elementary hangggang hayskul, isang mabuting kaibigan mula noon hanggang ngayon.


Marami rin kaming pinag-samahan, manood ng concert, mag-ikot sa mall, umakyat ng bundok, outings, mag-telebabad, tumambay sa mga bahay ng mga klasmeyts, manood ng sine, tumagay.

Ilang beses ko rin syang tinangkang gahasain pero walang success :D .

Siya ang singer ko habang nagta-trying hard akong mag-praktis ng gitara. Maganda ang boses nya.

Enjoy kami kumain ng "lucky me" pancit canton o mag-inuman habang nagke-kwentuhan ng mga bagay na walang kwentz.

Ang paborito kong part ng pagka-kaibigan namin ay 'yung nili-libre nya ko sa medyo class na restaurants. Sino ba naman ang di matutuwa pag LIBRE!

Ilang taon na rin kaming di nagkikita, madalang na ang komunikasyaon, ultimo e-mail eh bihira na rin.

Kung nababasa mo 'to Paul.... NA MI-MISS KITA...