Psssst! Hey you! Welcome sa munting paraiso ng laman ng coconut shell ko....
Ka-dramahan, kalokohan, katotohanan, katatawanan, pag-ibig, mga pangarap at ligaya sa buhay.
APIR!

5/30/2009

*WHAT'S FOR BREAKFAST?

Kanin, saging at condensed milk!

Thanks to my friend Lhen for reminding me of this "recipe" that I love from way back home in the Philippines.

Mura na masarap pa!


BURP!

Excuse me...

5/28/2009

*SUGGESTIONS KO KUNG WALA KANG MAGAWA

-ngumiti at sabihin "peace be with you" sa bawat taong makasalubong mo

-mag papak ng nescafe powder, isipin mo Ovaltine

-makinig sa AM radio station buong araw, full volume

-pigilin ang paghinga hanggang magkulay violet ka

-kalbuhin mo ang ulo mo, iwan ang bangs

-mag isip ng bastos at pag may nagtanong bakit ka napapangiti, sabihin mo "ngitian mo mukha mo!"

-basahin ang yellow pages, lagyan ng ang bawat pangalan na familiar sa 'yo then call

-figure out kung pano basahin ang chinese o japanese words

-i-google ang pangalan ng ex mo at ng mga taong hate mo

-mag "meow" occasionally

-magtiris ng pimpols, blackheads at whiteheads at amuyin ang bawat katas

-tawagan ang mga police stations and sabihin mo "sorry , I dialed the wrong number"

-humikab ng walang puknat pag may nakatingin sa 'yo, sigurado hihikab din sila

-kalasin ang garter ng panty/brief mo---gawing tirador

-tumawag sa FM radio at mag-dedicate ng kanta para sa fake na gf/bf mo

-try dilaan yung ilalim ng battery, pag medyo nakuryente ka,ibig sabihin may power pa yon. save it.

Ayos!

5/25/2009

random thoughts # 3


*Sometimes I think that maybe I think too much but then I just think about something else

*CARINDERIA SIGNS





5/17/2009

*PABORITO KONG PANSIT

Nagluto ako ng pansit ngayon!

Di kasing sarap ng luto ng daddy ko o yung luto ni Ate Lisa noong nagbakasyon ako sa Pilipinas, but I like my luto fine.

Pwede nang pag-tyagaan. :D

Yung unang kagat ang best part...kakatakam ang lasa. Nagdulot ng kaka-ibang saya sa akin.

Sa mga oras na ito, na-realize ko na it's more than just about the "lasa."

Ito ay isang piraso ng ala-ala ng bayan kong Pilipinas at lahat ng bagay na miss-na-miss ko doon simula nang tawagin ko ang Florida as my "new home."

Kaldereta next time!

5/08/2009

random thoughts # 2


*I once caught a fish who promised me 3 wishes if I let it go but I think he was lying so I ate it!

5/06/2009

*CUTE / PA-CUTE

Pag bata ang nagpapa-kyut --- kaka-tuwa, ang ku-cute



Pero pag matanda na ang nagpa-pa-kyut --- parang RETARDED !

5/05/2009

*A BLOG FOR ME!

Here's a blog written for me by my friend since fetus whom I fondly call "THE LEGEND"... barkada kasi nya lahat kahit toddler or senior citizen ka pa.



Thanks Ate Tess for this... I appreciate it.... touched ang puso ko :D

Click here --->
Tess's Blog

OR HERE ( click picture to enlarge)

part 1


part 2


part 3

5/01/2009

*SHINING SHIMMERING COMMENTS

I'm sure pamilyar ka dito kung may friendster at myspace ka ------> GLITTERS COMMENT!

Mukhang ang dami nang adik na mag-post ng kumu-kutitap na comment galing sa kung saan-saang websites. Dagdagan mo pa yung mga adik gumamit ng mga simbolo gaya nito §♥∞¤♦ˆ♣Ω≈♥˜ .... Minsan nakakasakit ng ulo basahin na parang magkaka seizure attack ka any moment.

Meron pa dyang nagre-request na mag-comment o mag-testi ka naman sa kanila. Minsan naiisip ko "May contest ba ng paramihan ng COMMENTS/TESTIMONIALS?"

Sa totoong buhay, mas masarap makatanggap ng mensahe na bukal sa kaibuturan ng puso mo... yun tipong pinag-isipan at di "copy and paste" lang.... yung may personal touch. yung hindi kapareho ng ni-send mo sa lahat ng tao sa friends list mo.

Pag nakatanggap ako ng mga "copy and paste" lang na comment katulad nito:










Ito lang ang masasabi ko,

ANG PLASTIK MO!

DELETE!