Psssst! Hey you! Welcome sa munting paraiso ng laman ng coconut shell ko....
Ka-dramahan, kalokohan, katotohanan, katatawanan, pag-ibig, mga pangarap at ligaya sa buhay.
APIR!

9/26/2009

*BAHA SA PILIPINAS

Para sa mga kababayan kong binaha ngayon,SANA OK KAYO...

9/21/2009

*PARA SA BIRHTDAY GIRL

*picture taken on her graduation day with me (sa likod) hofkors*

-when PRECIOUS (my youngest sister) was just a kid, lab na lab nya mag kolek ng bato at itambak ito sa underwear nya na parang bulsa.

-Alala ko super kulot at singkit sya noon.

-Madaming nagsasabi na may angking kagandahan daw ang aking kapatid...(proud ako syempre)... Kaya siguro ang daming nagtataka kung makapatid ba daw talaga kami.

-Noong taong 2000, habang sya ay enjoy sa kanyang bakasyon sa aming probinsya, pilit ko syang pinauwi dahil kailangan ko ng chaperone sa isang wedding (in short ALALAY) . She did it whole heartedly and she did a great job on my hair and make up that day...

-She is funny in her own little way.

-Buti nalang ang guardian angel nya was watching her when she fell off from a 15 feet high area sa ilog noong maliit pa sya.

- we both know what it means when one of us says "kranks" at "PPP" (as in Pa-pangit ng Pa-pangit habang Papalapit) pag may nakita kaming feeling gwapo at nagmamaganda.

-Nandyan sya lagi para makinig sa love story ko and sabi nya noon "kung saan ka masaya" .

-It was fun doing Divisoria shopping at palengke time with her plus all the street food na enjoy naming kainin.

-once or twice syang nanuntok ng lalaki dahil sa isang pangyayari na labag sa kanya.

-Noong nauso ang Super Mario Brother's Nintendo, di kami natulog para iligtas ang prinsesa at talunin si King Koopa.

-There's just something about it when she calls me "ATE"...

-Laging available 'yan pag niyaya ko manood ng mga gigs noong dekada nubenta at kung saan pang rak en' rol konsiyerto...kahit magdamagan pinagti-tyagaan nya ang trip ko.

-Pampalipas oras namin ang "LEG WRESTLING" kahit magka-pasa o manakit ang mga muscles namin, enjoy naman kami.

-Magiging ina na sya very very soon pero para sa akin she will always be my little sister that I'm going to protect and love forever and I hope and pray that she will be free from harm when I'm not around her...


I'm really glad that she was born, or else...sino ang maglilinis ng kubeta? sino ang magiging utusan ko? sino ang tatakbo sa tindahan para bumili ng isang lapad ng mantika at 4 na itlog? sino ang tutulong sa akin maglaba at maglinis ng bahay? sino ang re-wrestlingin ko? sino magiging biggest fan sa mga kalokohan ko?

I love PRECIOUS at sa kabila ng pag torture ko sa kanya and some weird memories ng aming kabatan, I'm sure she loves me too. :)

Happy Bitrhday NENG!

one four three four four five two five four ...san ka pa!

I miss you and your simpleng pa-komedi at katarayan...

Iniisip kita palagi.

(To my panganay na sister at my only brother...lab ko rin kayo syempre)

9/16/2009

random thoughts # 12


*I wonder how my childhood friends are doing since the last time I've seen them, many many many years ago...

9/14/2009

*TUNAY NA LARAWAN NG KABASTUSAN

Si KANYE WEST!

Kanye interrupted Taylor Swift's acceptance speech for winning "Female Best Video" at MTV Awards by running up on stage, grabbed the microphone and said “Yo Taylor. I’m really happy for you. I’m gonna let you finish but Beyonce had one of the best videos of all time. One of the best videos of all time!” ...

Taylor stood there stunned and speechless. Poor girl.

Kanye, how rude!


Kudos to Beyonce for graciously letting Taylor have her "belated moment"...



9/01/2009

*"I HATE MY LIFE!"


Minsan parang masarap isigaw lahat ng angal mo sa buhay sa mundo at 'yung mga taong nakakarinig ay di iisipin na luka-luka o luko-luko ka...

"AYAW MATANGGAL ANG BILBIL KO! I HATE MY LIFE!"

"NAWALA ANG INTERNET KONEKSYON KO DAHIL SA KIDLAT,DI TULOY AKO MAKA CHAT! I HATE MY LIFE!"

"PUCHA! DI AKO MAKATULOG, ANG INGAY NG ASO NG KAPITBAHAY NAMIN! I HATE MY LIFE!"

"ANG SAKIT NG GUMS KO! I HATE MY LIFE!"

"DI PA RIN AKO MAKAPAG-LUTO NG MASARAP KATULAD NG TATAY KO! I HATE MY LIFE!"

:)

But here's the thing... I DON'T hate my life. Di ko sa sabihin na I'm head-over-heels-in-love with it kasi di naman laging panalo sa buhay. Pero after 35 years , I've finally realize that things aren't bad at all even when they seem to (and I'm not just talking about my bilbil). At the end of the day, life can be one pleasant surprise after another.

-Minsang naiwan ko sa park 'yung camera, the next day...I got it back mula sa "lost and found" nila.

-Kala ng karamihang amerikano dito, 25 years old daw ako :)

-kahapon, husband got me a surprise! ...pumunta sya sa Asian store and bought me lata ng LIGO sardinas.Simple pero masaya ang pakiramdam pag sorpresa.

-Paunti-unti ko nang natatagpuan ang mga long lost friends ko thru Facebook at Friendster. Always nice malaman kung ano latest balita after sooooooooo many years we didn't hear from each other.

-Few weeks ago, my 9 year-old nephew Marhon, who happens to be my favorite boy sent me a message thru facebook for the first time.

-I got $5 discount coupon from the mail for the grocery store today.

-Atat na akong makita at kargahin ang aking mga new pamangkins na sa litrato ko lang nakikita. Plus there's another one on the way from my little sister.

With these, how can I possibly hate my life?

I can't...

and

I won't...

Masarap mabuhay.....iiwasan ko nalang umangal nang umangal.