Psssst! Hey you! Welcome sa munting paraiso ng laman ng coconut shell ko....
Ka-dramahan, kalokohan, katotohanan, katatawanan, pag-ibig, mga pangarap at ligaya sa buhay.
APIR!

12/24/2006

*Pasko na naman...sa Amerika

C Dec. 24,2006, 15 minutes 'til 12 midnight here.... kung nasa Pilipinas ako, I'll be at Kalye Cotabato with friends waiting for Noche Buena, may konting inuman ng San Miguel Beer at sing-along with neighbors na halata ang ligaya sa kanilang mga mukha. Lumpiang Shanghai, boy bawang o mani, inihaw na karne o bangus,adobong paa ng manok at left over ulam ang magiging pulutan. Ilang tindero kaya ng balot ang dadaan? Swerte kung may magbo-volunteer manlibre ng beer!...lalo na pag may bagong chismis. Sigurado may malalakas na iba't-ibang radio playing Christmas songs or Videoke na parang may contest kung sino ang may pinakamalakas na speaker na animoy nasa Recto ka during business hours. Siguro mas maraming nanganga-roling dahil last chance na for this year. I can imagine na gising pa rin ang mga bata excited to open their regalo, isuot ang bago nilang damit and go see ang kanilang mga ninong and ninang for pamaskong handog .Malamang maliwanag ang bawat bahay at bukas ang mga pinto na parang sinasabi na welcome kang kumain ng handa nila. Siguro sari-saring pagkain ang matitikman ko mula sa mga bigay ng kapitbahay. Sino na kaya ang lasing ngayon sa kalye namin? May girlfriend na kaya 'yung crush naming "papa" ni Dalya doon? Ano kaya ang suot nya?hmmmmm... May bagong grupo kaya ng tambay ang nabuo since I left? Saan na kaya si Jose na kapatid ni Buro? I wonder kung sino ang may ma-angas na Christmas decoration ngayon? Ano kaya ang patok na handa this year? Nami-miss kaya nila ako? ........Puto bumbong at bibingka.....Syet! Kakagutom!!!

Alas-dose na pala.....same as last year dito...tulog na ang mga kapitbahay ko, laganap ang katahimikan sa paligid...just like another ordinary night...haaaaaay... Siguro mas mabuti pang itulog ko nalang ito kaysa magmukmok dito ....ZZZZZZzzzzzzzzzzzzz. MALIGAYANG PASKO BAYAN KO! Kaka-miss kayo... :D

No comments: