Ito lang ata ang tanging litrato namin ni Daddy ko na kaming dalawa lang sa piktyur. Kuha noong 2004 sa tabi ng ilog sa likod-bahay.
Madaming nagsasabi na magka-mukha daw kami, sayang nga lang at di ko na mana ang kabaitan at pagiging mapasensya nya..
Kung titignan mo, magandang lalaki ang daddy ko. Kung di lang sya babad sa init ng pag-we-welding ng mga sirang tricycle sa kalye at sa walang humpay na pagta-trabaho sa ilalim ng init ng araw at usok na dulot ng mga welding rod araw-araw sa mukha nya eh mas gwapo pa sana sya sa litratong yan.
Di uso sa kanya ang day off, walang weekends, walang holidays... trabaho lang ng trabaho. Sa kabila ng busy schedule nya, may panahon pa rin syang magluto para sa amin ng masasarap na pagkain. Magaling syang cook, itanong mo pa kay Mama Sita o Mang Tomas.
Ganyan kasipag ang daddy ko kaya marami syang barya at madami rin akong nakupit sa kanya noon pambili ng paborito kong ngat-ngatin na panucha sa tindahan ni Aling Flor. :D
Naalala ko tuloy yung mga panahon na tuwang-tuwa kaming panoorin si "Mr. Bean" at ang "Bulagaan" ng Eat Bulaga. Pati na rin yung mga excitement namin pag-nanalo ang GINEBRA team sa basketball...sama mo pa yung boksing sa channel 9 at wrestling sa channel 13.
Pag-tag-ulan at di sya makapag-trabaho noong bata ako, he would play his guitar, minsan kakanta naman ako. I enjoyed those times. At nang mauso ang videoke, ihanda mo na ang "Quando, Quando, Quando" ni Engelbert Humperdinck, "Green Green Grass of Home" ni Tom Jones at "My Way" ni Frank Sinatra!
Ayos!
Ngayon, sa tuwing makaka-usap ko sya sa telepono eto ang tipikal na batian namin :
DAD: "Hello beautiful"
AKO: "Hey Handsome"
... at eto pa, nakikipag-tagisan syang mag english sa 'kin! ...always fun talking with him. :D
Oo nga pala Dad,.... Salamat sa mga pina-utang mo sa akin..sa sobrang dami, nakalimutan ko na tuloy bayaran... salamat din at di ako nakatikim ng palo sa 'yo. Salamat sa pag-tono mo ng gitara na pinagpa-praktisan ko. Salamat sa L.O.V.E mo...Salamat sa pag-repair mo ng tsinelas ko at ng sirang bubong sa bahay. Salamat sa lahat ng pagsi-sikap mong magkaroon ng maayos na tirahan naming magkakapatid at ni Mommy. Salamat sa magandang halimbawa na pinakita mo sa amin, lalo na 'yung turo mo na mag-sikap at 'wag umasa sa iba..
Happy Father's Day Handsome!... swerte kami at ikaw ang naging Daddy namin.
Extend ko na rin ang pagbati sa mahal kong hardworking brother Jon-Jon, kay bro-in-law Kuya Marlon na super bait, to my "Kuya" Liloy, sa tatay at asawa ng mga tunay kong friends at sa lahat ng matinong tatay na naka-inuman ko.
Ito ang isang tagay alay sa inyo!
Psssst! Hey you! Welcome sa munting paraiso ng laman ng coconut shell ko....
Ka-dramahan, kalokohan, katotohanan, katatawanan, pag-ibig, mga pangarap at ligaya sa buhay.
APIR!
6/20/2009
*I LOVE MY DADDY!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
Nako ganda nmn ng blog mo, i caannot help not to tawa while reading it..
nakakatuwa naman ang tatay mo, para ring papa ko.... happy father's day to ur dad :)
aww!!!! so sweet of u!!!! cheers pra sa mga tatay!!!!
Hay! Namiss ko tuloy Papa ko. Happy father's day to your dad! :)
this is a very nice entry ganda....thanks for sharing...so sweet of you....:)
Nakakarelate...super close sa tatay ko na maghapon nakasuot sa ilalim ng kanyang jeep...Tawag ko naman papi...
Swerte namin sa tatay!
Sis, salamat sa pagdalaw sa blog ko ah. Grabe, ikaw ba yung nagclick nung **** ko? Hehe. Salamat ulit.
I'm not close to my dad --- but I sure would love to. Posts like this, kahit na they're not meant to make someone cry, makes me cry. hayz.
My dad's as hardworking as your dad. And for that, Cheers!
*Honoring great dads*
Post a Comment