Psssst! Hey you! Welcome sa munting paraiso ng laman ng coconut shell ko....
Ka-dramahan, kalokohan, katotohanan, katatawanan, pag-ibig, mga pangarap at ligaya sa buhay.
APIR!
7/18/2009
*ALA-ALA NG NAKARAAN...
--- sino ba naman ang di makaka-kilala ng lugar na ito lalo na kung laking estudyante ka sa Pilipinas.
Tandang-tanda ko pa 'yung mga araw na malapit na ang pasukan noon.... dala ang listahan ko ng school supplies -- excited akong pumunta sa national bookstore at piliin ang mga type kong notebooks kasama ang yarda-yardang plastic cover, mga libro, pad papers na iba-iba ang size ( lengthwise, crosswise, 1/4), cartolina, manila paper, lapis at bolpen, pencil case at mabangong eraser. Ang sarap amuyin ng mga bagong school supplies di ba?
Laging parang isang malaking event para sa akin ito. ...Parang bertdey.
Naging tagpuan din ang tapat ng National bookstore kung saan nagkikita-kita kami ng buong grupo bago pumunta sa gimik o sinehan.
Dito ko rin dinala ang aking Amerikanong Chuck noong bakasyon namin last year para bumili ng mga postcards.
Haaaay, mga ala-ala ng National bookstore.
Ito ang isang bagay na parang balewala lang noon, pero ngayong malayo na ako, nami-miss ko pala ito.
Staples, Office Depot, Barnes and Noble, Office Max,, at Borders dito sa US of A ...parang di kumpleto.
Iba pa rin ang laking National Bookstore.
:D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
HIYAY... mismo... national bookstore baby din ako... hehehe... at tama ulit ang sinabi mo, parang birthday o pasko ang araw ng pamimili ng gamit sa eskwela...
sarap magreminisce!
sana magka-anak na ko para may ipamili ako sa national... hehehe!
Hi sis. Thanks for commenting on my site.
I too love going to National Bookstore. May store kami nito sa isang mall and dito ako tumatambay kung minsan pag medyo malalate yung ka-meet ko. Gustong-gusto kung tingnan yung mga libro duon. :D
hahaha!!! grabe laking national din ako sino ba ang hindi!!! hanggang ngayon basta mga school and office supplies go na ako sa natinal bookstore! It has been part of my life since childhood!
i love national bookstore.. kakamiss nga.. hayy.
favorite ko din ang amoy ng mga bagong school supplies lalo na mga crayons saka color pencils. haha!
naalala ko tuloy yung mga nanahi kami ng mga notebuk namin nuon na binili namin sa NB,hehe
nako korek sis..suki ko pa naman si NB sa pinas...hehehe....dito wala eh...we went sa NB nung pumunta kami ng pinas to get some stuff for my little one....she loves the wall charts kasi..:)
Thanks sis for commenting on my site. Totoo sinabi mo. Kailangan talaga matyaga ka pag mag-uukay. Hehe.
Na experience ko ang national book-store na yan nung college na ako.. Mala-divisoria at Recto kasi ang bookstore ko nung bata-bata pa ako...
cool.. =)
"Laking National" tayo pareho! Haha.
Nakakatuwa na mala-culturally shocking na hindi pala uso dito sa states na linalagyan ng plastic cover ang mga libro!
Lagi akong dumadalaw doon pag umuuwi sa pinas...bumibili ako ng mga bagong Philippine books gaya ng Pugad Baboy. :P
@PRUE - Talagang maraming dinulot na ala-ala sa akin ang lugar na 'to.
@Golden -ako gusto kong amuyin yung bagong erasers :)
@I am Me -yeah , malaking bahagi ng kabataan ko rin ang NB at I gues ng katandaan ko na rin :)
@Chiklets - kaka-miss talaga... pag uwi ko sa Pinas, pupunta ulit ako don para bumili ng postcard at ipagyayabang ko sa mga Kano dito :)
@Hari ng SAblay - ginawa ko rin yang pagtahi ng notebook, minsan kasi sumasabit yung springs kaya mas ok yung tahi.
@Dhemz - Naa-lala ko tuloy yung ABAKADA chart doon , pati yung mga BAHAGI NG KATAWAN na charts sa NB.. hay kaka miss.
@Goryo - lolo G, sa mga apo mo nalng ipa-dama ang full NB experience
@fortuitous F -APIR! oo nga, walang plastic cover dito :D
Salamat sa mga komento at oras nyo.. pasensya na ngayon lang ako naka reply.
Post a Comment