Psssst! Hey you! Welcome sa munting paraiso ng laman ng coconut shell ko....
Ka-dramahan, kalokohan, katotohanan, katatawanan, pag-ibig, mga pangarap at ligaya sa buhay.
APIR!

1/12/2009

*BERTDEY KO NA NAMAN!



Ilang araw nalang isang taon na naman ang madadagdag sa edad ko! Grrrrrr... Lagpas-lagpasan na sa kalendaryo pero pwede pa naman sa lotto. Na-alala ko tuloy noong baby-face pa ako, tuwing may magtatanong kung anong edad ko, mabilis kong sasabihin na 9 and a half.. kelangan may "and a half" talaga. Noong mga teen-age years, kahit kaka-16 ko palang, pag may nagtanong sagot ko agad " magse-seventeen"... nagmamadaling magdalaga di ba :D... ah ngayon? sa isip ko 29 pa rin ako... angal?

Tinanong ako kahapon ng Mr. Chuck ko kung ano trip ko sa espesyal na araw na 'to... sabi ko tulad ng dati , ayoko ng party... Ayoko nga magligpit at maghugas ng pinggan magdamag! . Gusto ko talaga eh cash, yan ang laging request ko sa nanay at tatay ko noon. Oo, Bata palang ako , mukhang pera na 'ko. Kaya wala akong memory o litrato ng mega selebrasyon ng birthday ko sa bahay namin.


Dahil may trabaho kami sa araw na 'to, 'wag na magluto, tama na sa akin umorder ng picha-pay at uminom ng malamig na Budweiser at naway bigyan ako ng envelope ni mister na may lamang dolyares .


Solve na 'ko.

1/11/2009

BUDWEISER

Kaninang umaga namasyal ako sa grocery para bumili ng mga pang-araw-araw kakainin namin sa bahay. May isang bagay na kumuha ng atensyon ko sa isang aisle ...isang kaka-ibang itsura ng BUDWEISER! ...Matagal na rin akong di nakakainom ng beer kaya naisip ko na makabili nga kahit makadalawang bote lang eh ayos na, dagdagan mo pa ng chicharong baboy with suka. . Tulo laway syempre. Maligayang kong kinuha ang bote ng budweiser . Napamura ko ng mabasa ko ang buong label... BUDWEISER WING SAUCE !?!!? ....inulit kong basahin sa pag-aakalang atat o nagha-hallucinate lang ako. Ah, pucha! di ako nagkamali.. sauce talaga sya!




Di ako magtataka , isang araw malamang magkaroon din ng Mang Tomas beer!