Psssst! Hey you! Welcome sa munting paraiso ng laman ng coconut shell ko....
Ka-dramahan, kalokohan, katotohanan, katatawanan, pag-ibig, mga pangarap at ligaya sa buhay.
APIR!

2/26/2009

*ANG REMOTE CONTROL...BOW!

Kagabi, pagtapos kong panoorin ang American Idol, nag dis-appearing act ang remote control ko. Hofkors, nag-panic ang lola mo! Kailangan ko nang magpalit ng channel at i-adjust ang volume!

"Where the hell is the remote!" ...hawak ko lang sya kanina!

Hinalukay ko ang kama...pinagpag ko ang unan at kumot 1 million times. Ginalugad ko ang ilalim at gilid ng kama. Di ko pa rin matagpuan ang paking-shimmering-splendord remote! Inulit ko ulit. WALA pa rin!

Ginising ko si Chuck, baka nadaganan nya... Nothing !

Kainis 'to! Nagdidilim na ang paningin ko!

Inulit ko ang paghahanap, pagpag dito, pagpag doon... kapa dito , kapa doon... at last, sa isang major pagpag ko ng unan, lumitaw si remote! ... haaaay... finally!

Madalas mangyari sa akin 'to , di ako makapaniwala na dahil lang sa isang missing remote, na-aapektuhan ang emosyon ko to the 10th power!

Apat na taon ko na rin ito kapiling. Halos gabi-gabi eh nawawala ito dahil siguro sa medyo maliit ang size nito. Gasgas na. Halos di ko na makita ang numbers sa buttons nito. Nawala na ang cover sa battery, kaya scotch tape nalang ang takip , pwede na....

I guess panahon na para palitan ko 'to....Maybe I should try this one next time...

EWAN KO LANG KUNG MAG DIS-APPEAR KA PA!

No comments: