Psssst! Hey you! Welcome sa munting paraiso ng laman ng coconut shell ko....
Ka-dramahan, kalokohan, katotohanan, katatawanan, pag-ibig, mga pangarap at ligaya sa buhay.
APIR!

12/30/2009

*BAGONG TAON AY MAGBAGONG BUHAY....


Hindi ito New Year's resolution...

Bagong taon na naman, I guess I should get back to watching my diet and maybe exercise more.

You all probably want an update, and here it is : I gained 15 lbs since last year. I have no idea how I did that! .....I blame it on my husband's cooking (who loves me no matter what shape I am) and my addiction to playing farmville habang naka-hilata for hours.

I believe I went to the gym and jog a grand total of 3 times this year and I ate everything- as in EVERYTHING that I can see and eat. And there was a lot in sight!

How am I suppose to refuse that?

So now I have to drag my pwet to the gym and exercise and eat healthier, which is totally unfair because I don't enjoy it. It will be crowded in the gym and annoying and I will hate it.

Yes, i know "it's a lifestyle change" blah blah, but I don't really "do" diets anymore, just like I don't really "do" New Years resolutions.

Can you tell ang dami kong angal at excuses ?

With my new Weight Watchers recipe book and aerobics dvd and a free gym access few blocks away from our house, I shall try this "fitness thingie" one more time.

I'm going to get back to at least 120-125 lbs and try to STAY THERE! .... maybe :)

And if I don't succeed... oh well, it's not the end of the world.

I'm gonna have to shop for LARGER size of clothes then...

:)
*Best wishes for a happy, safe and healthy new year to everybody*

12/25/2009

*'TIS THE SEASON TO BE JOLLY....


12/23/2009

random thoughts # 14


I don't know what to get my husband for Christmas. It seems hard to buy gifts for someone who pretty much has everything.... and when I say "everthing" , it means "ME!"

12/21/2009

*WHEEEEEEE!


It's the 21st of December, three more days before Christmas!

You know what that means?

Only three more days before people stop asking me :
"Are you ready for Christmas?... Are you ready for Christmas? ...Are you ready for Christmas? ...Do you have your Christmas shopping done? What you gonna cook?... Are you ready for Christmas?"!

And only three more days before I can stop replying, "F**k off! Of course I'm not ready for Christmas! I'm a huge fan of procrastination " ....ok, I didn't really say the first two words out loud, I just typed it up there just because I can. :)

So, are you guys ready for Christmas?

12/12/2009

*WHAT TO GET A PRACTICAL GIRL FOR CHRISTMAS

(a.k.a WHAT "ME" WANTS FOR CHRISTMAS)


* A volunteer magician who will make me look young forever or at least make me look like a typical Miss Universe pageant contestant...

*If there's such a machine that would automatically fold my laundry or a robot that will clean the house and do my job at work, that will be nice. I need stuff to make my life easier so I can......uhmm make my life easier

*A snowblower, OK , OK , I know we don't have snow in South Florida but I just want to have one "just in case"

* The motivation to eat less and exercise more, that would mean less grocery shopping and restaurant hunting, more $$$ on my savings

*I would love to work at Disney even for just one day so I can hang out with Donald Duck and party with Daisy, Mickey and Minnie.


*I think it would be cool to have the star wars lightsaber chopsticks and who knows I might be able to save the galaxy with it.

(Also comes in green and blue)

I know I don't ask for much , right? :)

Also I'd like world peace and a biiiiiiiiiiiig bottle of wine (just for me.)"


12/09/2009

9/26/2009

*BAHA SA PILIPINAS

Para sa mga kababayan kong binaha ngayon,SANA OK KAYO...

9/21/2009

*PARA SA BIRHTDAY GIRL

*picture taken on her graduation day with me (sa likod) hofkors*

-when PRECIOUS (my youngest sister) was just a kid, lab na lab nya mag kolek ng bato at itambak ito sa underwear nya na parang bulsa.

-Alala ko super kulot at singkit sya noon.

-Madaming nagsasabi na may angking kagandahan daw ang aking kapatid...(proud ako syempre)... Kaya siguro ang daming nagtataka kung makapatid ba daw talaga kami.

-Noong taong 2000, habang sya ay enjoy sa kanyang bakasyon sa aming probinsya, pilit ko syang pinauwi dahil kailangan ko ng chaperone sa isang wedding (in short ALALAY) . She did it whole heartedly and she did a great job on my hair and make up that day...

-She is funny in her own little way.

-Buti nalang ang guardian angel nya was watching her when she fell off from a 15 feet high area sa ilog noong maliit pa sya.

- we both know what it means when one of us says "kranks" at "PPP" (as in Pa-pangit ng Pa-pangit habang Papalapit) pag may nakita kaming feeling gwapo at nagmamaganda.

-Nandyan sya lagi para makinig sa love story ko and sabi nya noon "kung saan ka masaya" .

-It was fun doing Divisoria shopping at palengke time with her plus all the street food na enjoy naming kainin.

-once or twice syang nanuntok ng lalaki dahil sa isang pangyayari na labag sa kanya.

-Noong nauso ang Super Mario Brother's Nintendo, di kami natulog para iligtas ang prinsesa at talunin si King Koopa.

-There's just something about it when she calls me "ATE"...

-Laging available 'yan pag niyaya ko manood ng mga gigs noong dekada nubenta at kung saan pang rak en' rol konsiyerto...kahit magdamagan pinagti-tyagaan nya ang trip ko.

-Pampalipas oras namin ang "LEG WRESTLING" kahit magka-pasa o manakit ang mga muscles namin, enjoy naman kami.

-Magiging ina na sya very very soon pero para sa akin she will always be my little sister that I'm going to protect and love forever and I hope and pray that she will be free from harm when I'm not around her...


I'm really glad that she was born, or else...sino ang maglilinis ng kubeta? sino ang magiging utusan ko? sino ang tatakbo sa tindahan para bumili ng isang lapad ng mantika at 4 na itlog? sino ang tutulong sa akin maglaba at maglinis ng bahay? sino ang re-wrestlingin ko? sino magiging biggest fan sa mga kalokohan ko?

I love PRECIOUS at sa kabila ng pag torture ko sa kanya and some weird memories ng aming kabatan, I'm sure she loves me too. :)

Happy Bitrhday NENG!

one four three four four five two five four ...san ka pa!

I miss you and your simpleng pa-komedi at katarayan...

Iniisip kita palagi.

(To my panganay na sister at my only brother...lab ko rin kayo syempre)

9/16/2009

random thoughts # 12


*I wonder how my childhood friends are doing since the last time I've seen them, many many many years ago...

9/14/2009

*TUNAY NA LARAWAN NG KABASTUSAN

Si KANYE WEST!

Kanye interrupted Taylor Swift's acceptance speech for winning "Female Best Video" at MTV Awards by running up on stage, grabbed the microphone and said “Yo Taylor. I’m really happy for you. I’m gonna let you finish but Beyonce had one of the best videos of all time. One of the best videos of all time!” ...

Taylor stood there stunned and speechless. Poor girl.

Kanye, how rude!


Kudos to Beyonce for graciously letting Taylor have her "belated moment"...



9/01/2009

*"I HATE MY LIFE!"


Minsan parang masarap isigaw lahat ng angal mo sa buhay sa mundo at 'yung mga taong nakakarinig ay di iisipin na luka-luka o luko-luko ka...

"AYAW MATANGGAL ANG BILBIL KO! I HATE MY LIFE!"

"NAWALA ANG INTERNET KONEKSYON KO DAHIL SA KIDLAT,DI TULOY AKO MAKA CHAT! I HATE MY LIFE!"

"PUCHA! DI AKO MAKATULOG, ANG INGAY NG ASO NG KAPITBAHAY NAMIN! I HATE MY LIFE!"

"ANG SAKIT NG GUMS KO! I HATE MY LIFE!"

"DI PA RIN AKO MAKAPAG-LUTO NG MASARAP KATULAD NG TATAY KO! I HATE MY LIFE!"

:)

But here's the thing... I DON'T hate my life. Di ko sa sabihin na I'm head-over-heels-in-love with it kasi di naman laging panalo sa buhay. Pero after 35 years , I've finally realize that things aren't bad at all even when they seem to (and I'm not just talking about my bilbil). At the end of the day, life can be one pleasant surprise after another.

-Minsang naiwan ko sa park 'yung camera, the next day...I got it back mula sa "lost and found" nila.

-Kala ng karamihang amerikano dito, 25 years old daw ako :)

-kahapon, husband got me a surprise! ...pumunta sya sa Asian store and bought me lata ng LIGO sardinas.Simple pero masaya ang pakiramdam pag sorpresa.

-Paunti-unti ko nang natatagpuan ang mga long lost friends ko thru Facebook at Friendster. Always nice malaman kung ano latest balita after sooooooooo many years we didn't hear from each other.

-Few weeks ago, my 9 year-old nephew Marhon, who happens to be my favorite boy sent me a message thru facebook for the first time.

-I got $5 discount coupon from the mail for the grocery store today.

-Atat na akong makita at kargahin ang aking mga new pamangkins na sa litrato ko lang nakikita. Plus there's another one on the way from my little sister.

With these, how can I possibly hate my life?

I can't...

and

I won't...

Masarap mabuhay.....iiwasan ko nalang umangal nang umangal.

8/29/2009

random thoughts # 11


*I love my husband because he is the sweetest and kindest person I know.....besides me :D

8/27/2009

*HOW OLD IS OLD?


Old?

How old is old?

Well, I think you're old when you have to ask me to repeat the question every time I ask you.

I think you're pretty old when you tell me you can remember when they first discovered "fire".

I think you must be pretty old when you tell me you remember that big tree was just a little plant and everything you say begins with "back in my days" or "noong kapanahunan ko".

I usually know somebody is really old when they tell me what it was like to live before they invented the computer.

Also I know a guy is older than old if he tells me stories about what it was to hang out with Jose Rizal.

Now, me... myself... I think I am old when some little kid wonders why I don't have an Ipod or MP3 player. Or when they laugh at me since I'm having a hard time to figure out how smartphones or the latest video games works.

I also feel old when I don't know or care about who the hell is the latest hip hop star or Miley Cyrus or the Jonas Brothers or any one else who came along after Madonna... and by the way, have you noticed how old she looks nowadays?

And now too after I wrote all of this down and I look it over....

I feel older too!

Maybe if I dump my husband for a young guy, I might feel younger. :D

(Note: The last sentence was approved by my husband, he knows it's a joke)

----------------------------------------------------------

Thanks to
Shie's Asylum for tagging me on this. It's actually fun!

Please check this out on how this tag "operates" :
Cathara

Now I'm tagging the following blog-friends of mine,
Elsa,Vivapinay,Schema,VhingF,Bailey and Rona ...would be interesting to hear what they say :)

8/22/2009

random thoughts # 10


*If I'm good at playing electric guitar, I'd be a ROCKSTAR! ...with green hair maybe.

8/19/2009

*ISANG ARAW SA TRABAHO KO


Ako : Hi, goodmorning how are you today?

Si Lolo: (no words.. nakatitig lang sa akin with kapirasong smile.di ata ako narinig)

Ako: (Medyo nilakasan ko ang boses ko dito
) How's the new MEDICATION, is it helping you?

Si Lolo : W
ho is on VACATION!?? the doctor? I don't know anything about that .

Ako: No, I said your ME-DI- CA-TION (syempre dinahan-dahan ko ang pagsasalita
) ....remember BENICAR, your blood pressure pill?

Si Lolo: ohh..no.... I don't really drive CAR... I'm a BUS driver...

*I had to check his hearing aid, it's playing tricks on him .

8/15/2009

random thoughts # 9


*Do you ever wonder if anti-perspirant companies are secretly happy about global warming?

8/12/2009

*USAPANG SHIT


(BABALA: Ito ay usapang dirty, kung madirihin ka ....wag na ituloy ang pagbabasa. Paumanhin po)

Mula nang mapunta ako dito sa ibang bansa, maraming kaka-ibang Ingles na terms akong natutunan at ang pinaka patok sa aking listahan ay 'yung mga salita na konektado sa "shit" :) Salamat sa mga kaibigang tumulong sa akin mabuo ito.

Ito ang mga sumusunod na nagdudulot ng hagik-hik sa akin sa tuwing maririnig ko:

*NUGGETS - tawag sa mali-liit na shit

*OUT OF THE CLOSET POOPER - ito yung taong tipong proud at ina-announce ang pag-shit nya. madalas makita mo ito sa opis na may kipkip na dyaryo o magasin patungo sa kubeta

*ESCAPEE - tawag sa shit na akala mo ay utot lang , yun pala may kasamang laman. Madalas ay nagdudulot ito ng malaking kahihiyan

*UPPER CLASS SHIT - ito ang klase ng shit na walang amoy

*JAILBREAK - ito naman yung habang palabas ang shit ay may kasabay na pag utot na mala machine gun ang arrive , madalas konektado sa diarrhea

*DANGLING SHIT - ito ang shit na kahit anong yug-yug mo ay ayaw kumawala sa anus mo, as in matindi ang kapit.

*TURD BURGLAR - ito yung taong natatae din at di nya na-realize na nasa loob ka ng kubeta kaya pilit nyang bubuksan ito. Sabi nila this can cause you to pinch one of your shit in the middle dahil sa pagka bigla.

*COURTESY FLUSH - ito ang ginagawa ng tao sa public kubeta na sinasabay ang flush sa pag landing ng shit sa toilet bowl para di marinig ng mga tao. Iwas kahihiyan at magandang paraan din para di lumaganap ang amoy.

*WET CHEEKS SHIT - ang klase ng shit na bigla ang pag-ragasa sa anus mo kaya nag splash sa pisngi ng pwet mo. Also known as POWER DUMP

*SPINAL TAP SHIT - ito ang masakit na pag shit , maaring super tigas na animoy bakal ito kaya nagdudulot ng di mo ma-isplika na sakit ng pakiramdam habang ini-ire mo ito. Ang term ay base sa isang medical procedure na sinasabing pinaka-masakit sa lahat -
SPINAL TAP

*CORN SHIT - pag kumain ka ng corn, corn pa rin sya pag lumabas

*WATERMELON - klase ng shit na nagdudulot ng malakas na tunog ng splash sa pag-landing nito sa tubig

*SECOND WAVE SHIT - nangyayari ito pag tapos mong mag-shit, nahugasan na ang lahat, na zipper na ang pantalon pero muli kang makaka-ramdam ng isa pang round of shit , so kailangan bumalik sa trono

*LINCOLN LOG SHIT - super duper laking shit na kakatakot i-flush dahil baka magbara ang kubeta

*POP-A-VEIN-IN-YOUR-FOREHEAD SHIT- klase ng pag shit na super ang pag ire mo na halos puputok na ang ugat mo para lang mailabas ito... maaari daw itong mag cause ng stroke...
*SKID MARK - ito ay ang shit na nag-iiwan ng bakas sa inidoro. Madalas ito ay tipo ng shit na lagkitan kaya matindi ang kapit, ano mang ulit mong i-flush, may naiiwan pa ring sinyales ... kuskusin ng brush ang tanging solusyon ..(thanks to Kuya Danny from Australia for sharing this term :) )

MALIGAYANG PAG SHIT SA INYONG LAHAT REPAPIPS!
Utot naman next time...


8/11/2009

*ANG LOTTO


So anong gagawin mo pag nanalo ka sa Lotto?

... bibili ako ng dream house ko, gusto ko simple lang pero sa isang tahimik na lugar na napapligiran ng maraming puno at halaman, ipapasyal ko around the world ang nanay at tatay ko, bibigyan ko ng cash ang mga kapatid ko at true friends ko. Magse-save ako sa bangko at di na magta-trabaho...

Parang simple lang isipin 'no pero ang tricky part ay kung pa'no MANALO...

Sabi nila "You've got to be IN IT to WIN it"

Well, meron akong $1 and definitely I'm in it!

Now, I need LUCK...

7/28/2009

random thoughts # 8


*They say Diamonds are girl's best friend...mine is CA$H

7/25/2009

*FOOD TRIP


Paminsan-minsan ang sarap mag-kamay habang kinakain ko ang pritong talong at isda kasama ang kanin with partner na sawsawang bagoong alamang. I wish may kalamansi dito.

Ang pag-kain minus the tinidor at kutsara para sa akin ay parang isang art ng pagbilog ng konting kanin with ulam na kasya lang sa bibig...sabay subo. Medyo malagkit sa kamay pero mas relax ang pakiramdam ang ganitong sistema.

Sa ibang kultura, sabi nila "that's weird"... Sa mga pinoy na nagmamaganda at nagpapa-sosyal, "yukky" daw...

Oh well... they can kiss my pwet! :D

Sabi ni Chuck ko kanina, "sweeeeetie, would you like some spoon or fork?"

Ito ang sagot ko...

"NOooooooooooooooo0000000000000000000000000oo!"

Super emote di vah?

*I WAS TAGGED



Speaking of food trip , my fellow blogger
Shie of Shie's Asylum tagged me to join FOOD TRIP FRIDAY, a weekly photo meme for those who are interested in Food and Photography.

So I'm sharing my favorite omelette which I call ULTIMATE coz I pretty much stuffed it with bunch of mushrooms, onion, green and red peppers, and left over steak (sometimes I use chicken)... This is one of my favorite.

I'm tagging
VhingF of SURVIVOR and SCHEMA who might be interested in joining this.

7/19/2009

random thoughts # 7


*Some women might want to be a "trophy wife" but I wouldn't want to sit on top of the shelf.

7/18/2009

*ALA-ALA NG NAKARAAN...


--- sino ba naman ang di makaka-kilala ng lugar na ito lalo na kung laking estudyante ka sa Pilipinas.

Tandang-tanda ko pa 'yung mga araw na malapit na ang pasukan noon.... dala ang listahan ko ng school supplies -- excited akong pumunta sa national bookstore at piliin ang mga type kong notebooks kasama ang yarda-yardang plastic cover, mga libro, pad papers na iba-iba ang size ( lengthwise, crosswise, 1/4), cartolina, manila paper, lapis at bolpen, pencil case at mabangong eraser. Ang sarap amuyin ng mga bagong school supplies di ba?

Laging parang isang malaking event para sa akin ito. ...Parang bertdey.

Naging tagpuan din ang tapat ng National bookstore kung saan nagkikita-kita kami ng buong grupo bago pumunta sa gimik o sinehan.

Dito ko rin dinala ang aking Amerikanong Chuck noong bakasyon namin last year para bumili ng mga postcards.

Haaaay, mga ala-ala ng National bookstore.

Ito ang isang bagay na parang balewala lang noon, pero ngayong malayo na ako, nami-miss ko pala ito.

Staples, Office Depot, Barnes and Noble, Office Max,, at Borders dito sa US of A ...parang di kumpleto.

Iba pa rin ang laking
National Bookstore.
:D

7/01/2009

*PANG-ALIS NG TENSION



Baby laughs are always funny :D

video source: genesee99

6/29/2009

random thoughts # 6


*I promise I will never lie to you ...unless I'm lying now ;)

6/27/2009

*WHAT A DAY...

My Chuck and I woke up very early today to catch the sunrise at the beach and take pictures. Beach chairs were neatly placed by the ocean as we sat comfortably, holding hands while waiting for Mr. SUN to shine.....well.... we didn't know it's gonna be so cloudy!



Didn't get a good shot of the sun as we planned except for the flock of birds flying and a tiny little sun peeking behind the clouds...

I guess it's true what Mick Jagger of Rolling Stones say :

" YOU CAN'T ALWAYS GET WHAT YOU WANT"

6/25/2009

random thoughts # 5


*Sometimes, we only appreciate people when they are gone...

*Michael Jackson Dies


It is confirmed that Michael Jackson died of cardiac arrest today.He was 50.

I wasn't a big fan but this is really sad.

Personal life aside... Michael was a musical legend and his music will live on forever.

May he Rest In Peace.

6/20/2009

*I LOVE MY DADDY!

Ito lang ata ang tanging litrato namin ni Daddy ko na kaming dalawa lang sa piktyur. Kuha noong 2004 sa tabi ng ilog sa likod-bahay.

Madaming nagsasabi na magka-mukha daw kami, sayang nga lang at di ko na mana ang kabaitan at pagiging mapasensya nya..

Kung titignan mo, magandang lalaki ang daddy ko. Kung di lang sya babad sa init ng pag-we-welding ng mga sirang tricycle sa kalye at sa walang humpay na pagta-trabaho sa ilalim ng init ng araw at usok na dulot ng mga welding rod araw-araw sa mukha nya eh mas gwapo pa sana sya sa litratong yan.

Di uso sa kanya ang day off, walang weekends, walang holidays... trabaho lang ng trabaho. Sa kabila ng busy schedule nya, may panahon pa rin syang magluto para sa amin ng masasarap na pagkain. Magaling syang cook, itanong mo pa kay Mama Sita o Mang Tomas.

Ganyan kasipag ang daddy ko kaya marami syang barya at madami rin akong nakupit sa kanya noon pambili ng paborito kong ngat-ngatin na panucha sa tindahan ni Aling Flor. :D

Naalala ko tuloy yung mga panahon na tuwang-tuwa kaming panoorin si "Mr. Bean" at ang "Bulagaan" ng Eat Bulaga. Pati na rin yung mga excitement namin pag-nanalo ang GINEBRA team sa basketball...sama mo pa yung boksing sa channel 9 at wrestling sa channel 13.

Pag-tag-ulan at di sya makapag-trabaho noong bata ako, he would play his guitar, minsan kakanta naman ako. I enjoyed those times. At nang mauso ang videoke, ihanda mo na ang "Quando, Quando, Quando" ni Engelbert Humperdinck, "Green Green Grass of Home" ni Tom Jones at "My Way" ni Frank Sinatra!

Ayos!

Ngayon, sa tuwing makaka-usap ko sya sa telepono eto ang tipikal na batian namin :

DAD: "Hello beautiful"

AKO: "Hey Handsome"

... at eto pa, nakikipag-tagisan syang mag english sa 'kin! ...always fun talking with him. :D

Oo nga pala Dad,.... Salamat sa mga pina-utang mo sa akin..sa sobrang dami, nakalimutan ko na tuloy bayaran... salamat din at di ako nakatikim ng palo sa 'yo. Salamat sa pag-tono mo ng gitara na pinagpa-praktisan ko. Salamat sa L.O.V.E mo...Salamat sa pag-repair mo ng tsinelas ko at ng sirang bubong sa bahay. Salamat sa lahat ng pagsi-sikap mong magkaroon ng maayos na tirahan naming magkakapatid at ni Mommy. Salamat sa magandang halimbawa na pinakita mo sa amin, lalo na 'yung turo mo na mag-sikap at 'wag umasa sa iba..

Happy Father's Day Handsome!... swerte kami at ikaw ang naging Daddy namin.

Extend ko na rin ang pagbati sa mahal kong hardworking brother Jon-Jon, kay bro-in-law Kuya Marlon na super bait, to my "Kuya" Liloy, sa tatay at asawa ng mga tunay kong friends at sa lahat ng matinong tatay na naka-inuman ko.

Ito ang isang tagay alay sa inyo!

6/15/2009

random thoughts # 4


*Do fish ever get thirsty?

6/12/2009

*NEW DRINK


I mixed grape juice and pepsi for my drink today, It's good!... I call it GREPSI

6/10/2009

*"SULAT NI NANAY AT TATAY"


Sa mga di pa nakakabasa nito...gusto ko lang i-share ang kaka-iyak na sulat na ito na gawa ni Rev. Fr. Ariel F. Robles, a CWL Spiritual Director of St. Augustine Church in Baliuag, Bulacan...


“Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.


Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.


Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.


Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.


Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.


Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.


Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho.


Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.


At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.


Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.


At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…”

6/07/2009

*LONGEST ENGLISH WORD


Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanocon

-This is according to the Oxford English Dictionary. A word alleged to mean "a lung disease caused by the inhalation of volcanic ash, causing inflammation in the lungs."

Whatever happen to SUPERCALIFRAGILISTICEXPIALIDOCIOUS?


Here is anothere interesting information:
-This is the chemical name of the largest known protein. It is a 189,819 letters long! However, it is purely a technical term and though written in English, it is not in a "dictionary"-

Methionylthreonylthreonylglutaminylala...ylglutaminylprolylleucylglutaminylsery...lserylthreonylalanylthreonylphenylalan...rylglycylphenylalanylprolylvalylprolyl...lanylarginylaspartylglycylglutaminylva...nylleucylprolylglycylvalylglutaminylis...ylglycylarginylalanyllysylleucylthreon...llysylalanylasparaginylserylglycylargi...eonylasparaginylglycylserylglycylgluta...nylglutamylleucylleucylvalyllysylalany...asparaginylphenylalanylvalylglutaminyl...ylthreonylvalylarginylglutaminylglycyl...utaminylvalylarginylvalylthreonylglycy...lylvalyllysylphenylalanyltyrosylarginy...cylglutaminylserylserylleucylaspartylp...glutaminylglutamylglycylaspartylleucyl...anylglutamylalanyltyrosylprolylglutamy...serylvalylasparaginylalanylthreonylasp...ylthreonylserylthreonylalanylglutamyll...tamylglutamylglutamylvalylprolylalanyl...eucylvalylserylthreonylalanylglutaminy...glutaminylthreonylarginylisoleucylglut...ylhistidylphenylalanylaspartylalanylar...lylglutamylmethionylvalylisoleucylaspa...nylglutaminylleucylprolylhistidyllysyl...lprolylprolyllysylprolyllysylserylargi...erylisoleucylalanylalanyllysylalanylgl...ylglutaminylserylprolylserylprolylisol...lprolylvalylarginylhistidylvalylarginy...lylvalylarginylserylvalylserylprolylal...onylserylprolylisoleucylarginylserylva...thionylarginyllysylthreonylglutaminyla...ylglycylprolylglutamylvalylprolylproly...tamylglycyltyrosylvalylalanylserylsery...ylarginylglutamylthreonylthreonylleucy...minylisoleucylarginylthreonylglutamylg...cylarginyltyrosylglycylvalylglutaminyl...eucylserylglycylalanylalanylglycylalan...serylalanylseryltyrosylalanylalanylglu...lalanyllysylglutamylvalyllysylglutamin...lanylalanylvalylalanylthreonylvalylval...lalanylarginylvalylarginylglutamylprol...tamylglutaminylthreonylalanylglutaminy...eonylalanylvalylhistidylisoleucylgluta...glutaminylvalylarginyllysylglutamylala...threonyllysylvalylvalylvalylalanylalan...lutaminylglutamylleucyllysylserylargin...leucylthreonylthreonyllysylglutaminylg...alylthreonylhistidylglutamylglutaminyl...ylglutamyllysylthreonylphenylalanylval...ylalanylalanyllysylalanyllysylglutamyl...oleucylserylglutamylglutamylisoleucylt...taminylvalylthreonylglutaminylglutamyl...ylthreonylarginyllysylthreonylvalylval...nylthreonylprolyllysylvalyllysylglutam...larginylglycylarginylglutamylglycyliso...lutamylglutaminylvalylglutaminylisoleu...ethionylarginyllysylglutamylalanylglut...hreonylisoleucylalanylvalylalanylthreo...utaminylglutamylthreonylisoleucylleucy...onylmethionylalanylthreonylarginylglut...utaminylvalylthreonylhistidylglycyllys...lalanylglutamylalanylvalylalanylthreon
source: yahoo.com/answers


*Funny Commencement Speech 2009

The coolest speech ever! ..even if she was cracking jokes , there is still an important message that we all should learn.



source: http://www.youtube.com/watch?v=0JccudODwwY

6/02/2009

*" JULIA IN THE PHILIPPINES "

30 minutes ago, I came across this blog , JULIA IN THE PHILIPPINES , about an American Peace Corps volunteer and her adventure in my hometown Philippines. I have always been interested about what foreigners would say about my country...Her name by the way is Julia Campbell.

I read and read and read starting from her first post onwards and enjoyed every minute of it. It's nice too how she would use some tagalog words on her blog like an expert.

Her last blog was on January 13, 2007 and I want more!

"Where's the rest of her blog?" I wonder...

Then I saw there were 347 comments that gave me hope. I figured there might be information there that would lead me to her new blog somewhere else but... I was wrong.

I learned that she died in Banaue, Philippines.

And the worst thing was, she was killed by a Filipino .

I don't know why, for some reason it made me cry a little bit. :(

I wish she knew how reading her blog gave me some sort of happiness even if it's for 30 minutes only....

Click here for --> Julia's Blog and
Official News Release from Peace Corps

5/30/2009

*WHAT'S FOR BREAKFAST?

Kanin, saging at condensed milk!

Thanks to my friend Lhen for reminding me of this "recipe" that I love from way back home in the Philippines.

Mura na masarap pa!


BURP!

Excuse me...

5/28/2009

*SUGGESTIONS KO KUNG WALA KANG MAGAWA

-ngumiti at sabihin "peace be with you" sa bawat taong makasalubong mo

-mag papak ng nescafe powder, isipin mo Ovaltine

-makinig sa AM radio station buong araw, full volume

-pigilin ang paghinga hanggang magkulay violet ka

-kalbuhin mo ang ulo mo, iwan ang bangs

-mag isip ng bastos at pag may nagtanong bakit ka napapangiti, sabihin mo "ngitian mo mukha mo!"

-basahin ang yellow pages, lagyan ng ang bawat pangalan na familiar sa 'yo then call

-figure out kung pano basahin ang chinese o japanese words

-i-google ang pangalan ng ex mo at ng mga taong hate mo

-mag "meow" occasionally

-magtiris ng pimpols, blackheads at whiteheads at amuyin ang bawat katas

-tawagan ang mga police stations and sabihin mo "sorry , I dialed the wrong number"

-humikab ng walang puknat pag may nakatingin sa 'yo, sigurado hihikab din sila

-kalasin ang garter ng panty/brief mo---gawing tirador

-tumawag sa FM radio at mag-dedicate ng kanta para sa fake na gf/bf mo

-try dilaan yung ilalim ng battery, pag medyo nakuryente ka,ibig sabihin may power pa yon. save it.

Ayos!

5/25/2009

random thoughts # 3


*Sometimes I think that maybe I think too much but then I just think about something else

*CARINDERIA SIGNS





5/17/2009

*PABORITO KONG PANSIT

Nagluto ako ng pansit ngayon!

Di kasing sarap ng luto ng daddy ko o yung luto ni Ate Lisa noong nagbakasyon ako sa Pilipinas, but I like my luto fine.

Pwede nang pag-tyagaan. :D

Yung unang kagat ang best part...kakatakam ang lasa. Nagdulot ng kaka-ibang saya sa akin.

Sa mga oras na ito, na-realize ko na it's more than just about the "lasa."

Ito ay isang piraso ng ala-ala ng bayan kong Pilipinas at lahat ng bagay na miss-na-miss ko doon simula nang tawagin ko ang Florida as my "new home."

Kaldereta next time!

5/08/2009

random thoughts # 2


*I once caught a fish who promised me 3 wishes if I let it go but I think he was lying so I ate it!

5/06/2009

*CUTE / PA-CUTE

Pag bata ang nagpapa-kyut --- kaka-tuwa, ang ku-cute



Pero pag matanda na ang nagpa-pa-kyut --- parang RETARDED !